'MOST LIKELY' POSIBLENG MA-CERTIFY AS URGENT ANG MANUKALANG DEATH PENALTY SA BANSA AYON SA PALASYO.
Pahayag ito ng Malakanyang matapos hilingin ni Pangulong Duterte sa kongreso na ipasa ang naturang batas sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may sapat na panahon pa ang mga mambabatas para bumalangkas ng batas para sa parusang kamatayan.
Paliwanag ni Panelo, walang duda na mailulusot ang naturang panukala lalo’t maraming kaalyado si Pangulong Duterte sa kongreso.
Una rito, naghain na si Senador Christopher “Bong” Go ng Senate Bill 207 na naglalayong parusahan ng kamatayan ang mga sangkot sa ilegal na droga at ang mga plunderer o mga mandarambong sa pamamagitan ng lethal injection.
Bukod kay Go, naghain rin ng kaparehong panukala si Senador Manny Pacquiao.