GOOD NEWS! IKA - 37 MALASAKIT CENTER PARA SA MAHIHIRAP, BINUKSAN SA ORMOC CITY NI SEN. BONG GO.
Ika-37 Malasakit Center, binuksan sa Ormoc City nina Secretary Michael DiƱo at Senator Bong Go
Binuksan ngayong araw, July 5, ang ika-37 na Malasakit Center sa bansa sa Ormoc District Hospital sa pangunguna ng Presidential Assistant for the Visayas Michael DiƱo kasama si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go. Si Kuya Bong ang nagpasimula ng Malasakit Center noong special assistant pa siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa Malasakit Center, pwedeng humingi ang mga maysakit ng tulong pinansyal sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng DOH, DSWD, PCSO at marami pang iba. Sa ngayon, may Malasakit Center na sa maraming bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao, ngunit hindi titigil si Kuya Bong na tumulong upang magkaroon nito sa bawat malaking lungsod at probinsiya sa bansa.