Breaking News

GOOD! IKALAWANG ARAW BILANG SENADOR, BONG GO NAGHAIN NG 10 PANUKALANG BATAS SA SENADO.



Senator Bong Go, 10 panukalang batas kaagad ang inihain sa Senado
Sa ikalawang araw pa lang niya sa Senado, 10 panukalang batas kaagad ang inihain ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mabilis na matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga inihain ni Kuya Bong ngayong araw, July 2.

1. Ang pag-institutionalize ng Malasakit Center
2. Pagtatatag ng Department of Overseas Filipinos
3. Pagbibigay ng mga benepisyo at prebilehiyo sa mga solo parents
4. Pagpapaliban ng barangay elections
5. Pagbubuo ng National Housing Development Production and Financing Program (NHDPFP).
6. Dagdag din sa mga ito ang pagpapataw ng death penalty sa mga karumaldumal na krimen na may kaugnayan sa illegal na droga at plunder
7. Pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR)
8. Salary standardization para sa civilian government personnel
9. Pagbuo ng Fire Protection Modernization Program
10. Isang resolusyon na lumilikha ng Senate Committee on Overseas Filipinos.

Aksyon at serbisyong ora mismo ang ipinapakita ni Kuya Bong dahil nais niyang matupad kaagad ang mga ipinangako niya noong kampanya. Kahit noon pa mang hindi siya tumatakbo, lagi na siyang nakikinig sa hinaing ng mga Pilipino kaya mabilis na sa kanya ang paggawa ng mga importanteng panukala. Ipaglalaban ni Kuya Bong ang mga ito hanggang tuluyang mapasa at maisabatas, at marami pa siyang isusulong sa loob ng kanyang termino.

WATCH THE VIDEO!






LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!