BUKAS SI PANGULONG DUTERTE NA PUTULIN ANG DIPLOMATIC TIES SA ICELAND DAHIL SA PAKIKIALAM SA PILIPINAS
Bukas ang pamahalaan ng Pilipinas na putulin ang diplomatikong relasyon nito sa Iceland makaraang isampa ng huli sa United Nations Human Rights Council ang isang resolusyong humihiling ng imbestigasyon sa anti-drug war sa bansa.
Ang Iceland at 17 iba pang bansa ay bumotong pabor sa pagpapatibay ng resolusyong nagmamandato sa konseho na repasuhin ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Inakusahan ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang Iceland ng panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas sa naturang deklarasyon.