Breaking News

BAYANI AGBAYANI NAPABILIB SA MGA NAGAWANG PAGBABAGO AT PAMAMALAKAD NG PANGULONG DUTERTE SA GOBYERNO



Isa sa mga artistang dumalo sa nagdaang State of the Nation Address ng Pangulong Duterte ay si Bayani Agbayani. Kaya naman natanong ito ng ilang press sa kung ano ang mga opinyon nito ukol sa speech ng pangulo. 

Ikinatutuwa nito ang pamamalakad ng pangulo dahil ngayon lamang ay nagkakaroon na tayo ng PNP na pinagkakatiwalaan na ng mga tao, may mga malasakit centers na din, at napadali na ang pagkuha ng mga IDs para sa ating mga mamamayan. Ipinagmalaki din ni Bayani ang mabilis na pagkawala ng tanim-bala at ang libreng pag-aaral sa pampublikong mga eskwelahan katulad ng UP at PUP. 



Nang tanungin kung ano ang pinaka nagustuhan nito sa sinabi ng pangulo ay ang pag-amin nito sa kanyang kahinaan at pagiging transparent nito. Aniya, ang laban nito na maalis nang tuluyan ang korapsy0n sa g0byerno ay isang napakahirap na gawain. Ganunpaman, masaya ito dahil kumikilos ang pangulo para linisin ang gobyerno. Sa sariling pananalita nito.

Isang napakagandang mensahe naman ang ipinarating ni Bayani para sa marami, aniya, tapos na ang eleksyon at may nanalo nang pangulo. Nararapat lamang na suportahan kung sino ang naupo. Hirit nito, tatlong taon na lamang ang natitira sa serbisyo nito at hindi biro ang paglilinis ng isang g0byerno. Banat nito ay tigilan na ang paghahatakan pababa at tumulong na lamang sa pagpapaunlad ng bansa. 

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!