PANGULONG DUTERTE, IIMBESTIGAHAN ANG PAGKABANGGA AT PAG- ABANDONA NG CHINESE VESSEL SA BANGKA NG MGA PILIPINO.
Sinabihan ng Malakanyang ang China na imbestigahan nito ang nangyari sa Recto Bank sa West Philippine Sea sa pagitan ng bangkang pangisda ng mga Pilipino at Chinese vessel.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi sibilisado at mapangahas ang pag-abanduna ng barko ng China sa bangka na may sakay na 22 mangingisdang Pilipino na kanilang binangga. “We call on the appropriate Chinese authorities to probe the collision and impose the proper sanctions to the Chinese crew,” ani Panelo.
Anuman anya ang dahilan ng insidente, aksidente man o sinadya, likas dapat sa sangkatauhan na agad iligtas ang nalulunod na mga Pilipino.
Dagdag ni Panelo, dapat naging prayoridad ang kaligtasan ng crew ng nasirang bangka at natural na reaksyon ang pagtulong sa mga ito.
Hindi anya dapat iniwan ng kapitan ng barko ng China ang nabanggang bangka ng walang kaukulang tulong.
