LORD ALLAN VELASCO, INENDORSO NG PDP-LABAN BILANG BAGONG HOUSE SPEAKER SA KAMARA
Pormal nang inenderso ng PDP-Laban bilang pambato nila sa pagka-Speaker sa Kamara si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Pirmado ang isang manifesto na binubuo ng PDP-Laban, Nationalist People's Coalition, Northern Luzon Alliance bloc, at ng party-list coalition.
Sa ilalim nito, sinasabing 'best choice' si Velasco para pamunuan ang Kamara.
Sa isang pulong balitaan ni Senador Manny Pacquiao, inanunsyo niya na 'full-term' ng 18th Congress nila ito ieendorso.
Majority umano sa kanilang partido ang sumuporta kay Velasco dahil dapat manggaling sa PDP-Laban ang susunod na House Speaker.
Matatandaang kahapon nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipauubaya niya na kay outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpili sa papalit sa kanya.