Breaking News

HULI KA! JACKY CO AT 16 PA, SANGKOT SA P 1.8 BILLIONG SHABU SHIPMENT SA BANSA NOONG MARSO. DOJ AT PDEA NAGHAIN NA NG KASO!


NAGHAIN ng kaso sa Department of Justice ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa Chinese national na si Xu Zhi Jian alyas Jacky Co at sa 16 iba pa na sangkot sa P1.8 bilyong halaga ng shabu na ipinuslit sa Manila International Container Port noong Marso 2019.
Ayon kay PDEA chief Director General Aaron Aquino, ang isinampang kaso laban kina Co ay paglabag sa Sec 4 o Importation of Dangerous Drugs ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Kasama sa kinasuhan sina Dong An Dong, Julie Hao Gamboa, Fe Tamayosa, Alvin Bautista, Jane Abello Castillo, Carlo Dale Zueta, Abraham Torecampo, Arwin Caparros, Leonardo Sucaldito, Mark Leo Magpayo, Brian Pabilona, Meldy Sayson, Rhea Tolosa, Edgardo Dominado, Jerry Siguenza, at Debbie Joy Aceron.
Sabit din sa kaso ang mga opis­yal at director ng Wealth Lotus Empire Corporation at Fortuneyield Cargo Services, na siyang consignee ng 276 gramo ng shabu.
Idinagdag pa ni Aquino na ang mga dokumento at affidavit ay nagpapakita na ang mga aksyon na ginawa ng mga kinasuhan ay may koneksyon sa serye ng pagsasabwatan sa smuggling ng iligal na droga.

WATCH THE VIDEO!




LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!