WALANG HIYA KA! DUTERTE KAY TRILLANES, INAABUSO AT BINABANOY UMANO NITO ANG KANYANG POSISYON BILANG SENADOR.
Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV sa kaniyang talumpati at inakusahan ng Punong Ehekutibo ang mambabatas na inabuso ang kaniyang posisyon bilang senador. Banat na sagot naman ni Trillanes, "Henyo ka talaga, Duts."
Sinabi ni Duterte na nakakahiya si Trillanes dahil sa inabuso umano nito ang kaniyang posisyon bilang senador, at binaboy pa umano ang senado.
"Anong ginawa mo? Binaboy mo ang Senado. And you use that power to run after people," anang pangulo patungkol kay Trillanes.
Inakusahan din ng pangulo si Trillanes na gumagamit ng mga dummy para itago ang mga ari-arian at mga sasakyan.
Sa isinumiteng statement of assets, liabilities ang net worth ng mga senador para nitong 2017, lumitaw na si Trillanes ang "pinakamahirap" dahil sa kaniyang idineklarang ari-arian na aabot lang sa P6.87 milyon.
"Ikaw 'yung number one na gagamit ng dummy. Lalabas rin ‘yan. Pero sabi ko walanghiya ka. Hindi ka lalaki," sabi ni Duterte.
Sinagot naman ni Trillanes sa inilabas na pahayag ang mga banat sa kaniya ng pangulo.
“Ayan ka na naman. Hindi ka pa nga nakakabawi sa kapalpakan mo dun sa inimbento mong offshore bank accounts na bintang mo sa akin, pati na rin dun sa mga sinabi mo laban sa Nanay ko, tapos may bago ka na namang bintang,” sabi ni Trillanes.
Inakusahan ni Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang siya umano si Bikoy sa "Ang Totoong Narco List" video, na sangkot si Trillanes sa planong guluhin at pabagsakin ang administrasyong Duterte.
