Breaking News

TRENDING! ALYAS "BIKOY" SA WAKAS LUMANTAD NA SA PUBLIKO! NANINDIGANG NAGSASABI RAW NG TOTOO.




Humarap na sa publiko ang lalaking nagpakilalang si alyas ‘Bikoy’ o ang naka-hood na figure sa serye ng mga videos na pinamagatang “Ang Totoong Narcolist.”
Lumantad sa press conference sa Integrated Bar of the Philippines si Peter Joemel Advincula aka Bikoy para huling ng proteksyon at makasuhan ang mga itinuturo niyang miyembro ng sindikato.Image may contain: text
“Ako si BiKoy. Ako po ay tunay na tao at hindi kathang isip lang tulad ng sinasabi ng ibang tao,” panimula nito. “Andito ako ngayon sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines upang humingi ng legal assistance. Kailangan ko ng abogado para isubmit ang aking sinumpaang salaysay at tulungan ako magsampa ng kaso laban sa mga miyembro ng sindikato.”
Unang sinabi ni Advincula o alyas Bikoy na wala siyang kaugnayan sa Otso Diretso o kahit na sinong kandidato at partido.
Image may contain: text
Muli ring nanindigan si alyas Bikoy na totoo ang kanyang mga binitawang paratang at handa itong humarap sa kahit na anong imbestigasyon para ito ay patotohanan. Ayon kay Integrated Bar of the Philippines National President Abdiel Fajardo, lumabas si Bikoy kasama ang ilang mga madre para humingi sa kanila ng tulong.




LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!