NAKAKABAHALA! COMELEC STICKER SEALS AT DELIVERY TRUCK NG MGA OFFICIAL BALLOT, SIRA ANG SELYO!
Kinuwestiyon ng mga kinatawan ng ilang kandidato sa lungsod ng Maynila ang mga sirang selyo o sticker seal ng mahigit 1,000 ballot box na gagamitin para sa national at local election sa Lunes.
Dumating sa Manila City Hall ang 1,502 ballot box na ipamamahagi sa mga polling precinct sa lungsod pasado alas-12:00 ng madaling-araw nitong Linggo.
Ayon kay Josephine Daza, officer-in-charge ng Manila City Treasurer’s Office, itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang opisina para tanggapin ang mga ballot box bago ipamahagi ang mga ito.
Naglalaman aniya ang bawat kahon ng ballot ID, cluster precinct number, munisipalidad, lalawigan at rehiyon kung saan ito gagamitin.
