NADULAS NA! TRILLANES INAMING MAY KINALAMAN ANG MGA PARI PARA MAKIKILALA SI "ALYAS BIKOY".
Pinasinungalingan ni Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilala bilang si alyas "Bikoy" sa "Ang Totoong Narco-list" videos, ang mga paratang na binitawan niya laban sa mga kaanak at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi rin ni Advincula na ang kaniyang mga paratang laban kina Duterte ay utos lamang ng opposition party na Liberal Party (LP) at ilang kaalyado gaya nina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Risa Hontiveros.
"Lahat ng nangyari sa 'Ang Totoong Narco-list,' video... lahat 'yon pawang scripted, lahat 'yon pawang kasinungalingan," sabi ni Advincula, na sumuko sa pulisya.
