PRES. DUTERTE MAY BANTA SA MGA BANYAGA. 'PAPATAYIN KO TALAGA KAYO! "Do not destroy the Philippines and do not destroy the youth of my land'.
"To the foreigners, I would say to them, 'Do not destroy the Philippines and do not destroy the youth of my land.' Papatayin ko talaga kayo," banta ni Pangulong Duterte sa mga may balak sumira sa Pilipinas.
Sa talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao City, sinabi ng pangulo na mas gugustuhin niyang mapunta sa impyerno basta’t mapigilan niya ang mga nagnanais na mawasak ang bansa.
“Magustuhan mo man ‘yan ang sinabi ko o hindi, hindi ako nagbibiro, talagang hihiritan ko kayo. And the last thing that I will do for my country if I go to hell to burn to eternity, so be it,” ani Duterte.
Iginiit ng pangulo na ayaw niya sa pang-aapi at korapsyon at sinumang mahuli niyang gumagawa nito ay mauuna sa impyerno.
