NAKO PO! Naghain ng resolusyon ang limang senador sa Amerika para ipanawagan ang pagpapalaya kay Sen. Leila De Lima.
Limang senador ng United States ang naghain ng resolusyong kumokondena sa pamahalaan ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagkakakulong ni opposition Senator Leila de Lima. Layunin din ng naturang resolusyon na alisin ang mga kasong isinampa laban sa Rappler at sa CEO nito na si Maria Ressa.
Kinokondena rin ng resolusyon ang harassment, arrest, at hindi makatarungang judicial proceedings laban sa media at sa mga journalist.Kabilang sa kinokondena ng naturang resolusyon ay ang state-sanctioned extrajudicial killings na kagagawan umano ng mga pulis at ng iba pang armadong indibidwal bilang bahagi ng ‘War on Drugs’ ng administrasyon, kaugnay rito ay ang pag-aresto sa mga human rights defender at mga political leader dahil umano sa pag-exercise ng mga ito sa kanilang karapatan sa pamamahayag.
Nanawagan ang mga 5 senador na palayain na umano si De Lima at alisin ang lahat ng kaso na isinampa laban dito at hayaan itong ipatupad ang kaniyang mandato bilang Chair of Committee on Social Justice.