Breaking News

RAPPLER CEO MARIA RESSA INARESTO SA AIRPORT; NAGPIYANSA NG P 90k.


Biyernes ng umaga, si Rappler CEO at executive editor Maria Ressa sa kasong paglabag sa anti-dummy law. Gayunman, agad ding nakapagpiyansa si Ressa matapos ang booking procedure sa Pasig City Police Station. 
Sa bisa ng warrant, inaresto si Ressa paglapag nito sa Ninoy Aquino International Airport ganap alas-6:30 ng umaga dahil sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.
Inihayag Ressa na kanyang haharapin ang mga kasong isinampa sa kanya tulad ng cyber libel at hindi pagbabayad ng buwis. Binigyan-diin nito na harassment ang ginagawa sa kanya. Iginiit din nito na pag-aari ng mga Pinoy ang Rappler.
Nauna nang nakapaglagak ng piyansa ang mga miyembro ng Board na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza, at James Velasquez. (Mac Cabreros)
Isinilbi ng Pasig police officers ang warrant of arrest matapos lumapag ang eroplano ni Ressa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
“To any officer of the law, you are hereby commanded to arrest the person Maria Angelita Ressa who is to be found at (address redacted) or elsewhere and who stand charged before me of the crime of violation of Sec sion 2-A of Commonwealth Act No. 108 or the Anti-Dummy Law,” sabi ni Judge Acerey Pacheco sa arrest order.
Magpipiyansa naman si Ressa ng halagang P90,000 sa paglabag sa Anti-Dummy Law. Ini-raffle ang kaso ni Ressa sa Branch 265 noong Miyerkoles. Ang mga co-defendants ni Ressa, kabilang ang managing editor ng Rappler na si Glenda Gloria at mga miyembro ng company board, ay nagpiyansa na ng katulad ng halaga kay Ressa kahit wala pang ipinalalabas na warrant.

Watch the video!





LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!