MAHIGIT 40 NARCO LIST, IKINANTA NA NI PANGULONG DUTERTE. ILANG NABANGIT TODO-PALAG! PANOORIN
Isa-isang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 46 na lokal na opisyal at 3 kongresista na kasama sa narco-list. Mula sa orihinal na bilang na 82 ay 46 lamang ang verified at kinakitaan ng probable cause na sabit sa illegal na droga.
Kabilang sa listahan ng Chief Executive sa 82 mga pulitiko ay ang ilang gobernador, vice-governors, congressmen, mayors, vice-mayors at ilang konsehal. Iyon nga lamang, umabot lamang sa 40 na mga pangalan ang kanyang nabanggit dahil hindi pa siya sigurado sa ilang mga kasama sa narco list.
Kabilang sa mga pinangalanan ni Duterte sina Ilocos Rep. Jesus Celeste; Zambales Rep. Jeffrey Khonghun at Leyte Rep. Vicente Sofronio Veloso.
