DROGA ANG DAHILAN! PANGULONG DUTERTE, KINUNDENA ANG MGA INSIDENTE NG PANGGAGAHASA SA BANSA.
Nasa isang babae o bata ang nabibiktima ng panggagahasa kada oras, ayon sa tala ng Philippine Commission on Women (PCW).Sa datos, 23 kababaihan o kabataan ang nabibiktima ng rape o panggagahasa kada araw, katumbas ng halos isang kaso kada oras.
Sa kanilang tala, 75 porsiyento ng mga naitalang kaso ng rape ay mga batang may edad 1 hanggang 17 ang biktima. Samantala, nasa isang babae o bata ang nabibiktima ng karahasan gaya ng domestic abuse kada 20 minuto. Pinakatalamak daw dito ang pisikal, emosyonal, at ekonomikal na pag-aaabuso.
Sa tala naman ng National Demographic and Health Survey, 2 sa 5 biktima ang hindi nakakapag-sumbong sa mga awtoridad sa kanilang naranasang karahasan. Nababahala na rin daw ang grupong Center for Women's Resources (CWR) lalo't lumalala umano ang mga kaso ng pang-aabuso dahil na rin sa social media.Watch the video!
