Woow! Pulis na sinabuyan ng taho ginawaran ng 'Medalya ng Papuri' for patience in performing his duty.
Ginawaran ng ‘Medalya ng Papuri’ sa Kampo Crame ngayong Lunes ang pulis na sinabuyan ng taho ng galit na babaeng Chinese nitong weekend sa istasyon ng MRT. Sa flag raising ceremony ay mismong si Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde ang nagsabit ng medalya kay Police Officer 1 William Cristobal dahil sa ipinakita niyang pasensiya at pagtupad sa kaniyang trabaho bunsod ng insidente.
Si Cristobal ay naka-assign sa MRT Boni Station sa Mandaluyong City nitong Sabado nang kaniyang sitahin ang Chinese na si Jiale Zhang, 23-anyos, dahil sa kaniyang dalang taho na ipinagbabawal sa istasyon. Ikinagalit ng estudyanteng Chinese ang paninita ni Cristobal kaya’t kaniyang ibinuhos ang hawak niyang taho sa pulis. Agad naman inaresto si Zhang kung saan siya ay kinasuhan ng direct assault, disobedience to agent of person in authority, at unjust vexation.
