SAWAKAS! P3.7TRILLION Peso para sa 2019 national budget pasado na sa Senado. Panoorin
Walang tumutol na mga senador sa naging ikalawa, ikatlo at huling reading para sa natenggang P3.757 na 2019 national budget.Sa botong 14 na pabor, walang tutol, inaprubahan ito dahil sertipikado ito na urgent measure.
Walang senador na nagpasok ng individual amendment sa panukala para mabilis na itong maaprubahan.
Si Senadora Loren Legarda, na chairman ng Senate Committee on Finance, ang naghanay ng mga ahensya na binawasan at dinagdagan ng Senado ng badyet.
Isa sa pinabawasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ipinabalik naman ng Senado ang P16.76 bilyon sa Department of Health (DOH) para sa pagpapatapos nito sa mga ipinagagawang ospital, health center at at health station at bukod na P7 bilyon para sa pagkuha ng mga medical professional.
