Negosyante at driver ng van, patay sa pananambang; 1 pa nakaligtas sa pamamaril sa Edsa. Panoorin
PATAY ang isang negosyante at kanyang driver, samantalang sugatan ang babaeng pasahero matapos ang nangyaring pamamaril sa southbound lane ng Edsa malapit sa Reliance st. sa Mandaluyong City, ngayong hapon.
Ayon sa kuha sa CCTv duumikit ang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa puting Toyota HiAce van na sinasakyan ng mga biktima at pinaputukan ang kanang bintana ng backseat, ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran Jr., chief ng Mandaluyong City Police Station.
Sinabi ni Villaceran na nasawi ang negosyanteng si Jose Luis Yulo, taga Alabang, Muntinlupa at kanyang driver na si Allan Romer Santos matapos ang pamamaril.
Nakaligtas naman ang 38-anyos na si babaeng sakay na si Esmeralda Ignacio.
Dinala ang mga sugatan sa VRP Medical Center na nasa kanan lamang kung saan huminto ang sasakyan.
