NASA 90 MILLION PESO ANG HALAGA NG MGA BLOKE-BLOKENG COCAINE GALING SA COLOMBIA AYON KAY PANGULONG DUTERTE
Kinumperma mismo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ni chief General Aaron Aquino at ni Pangulong Duterte na drug cartel mula sa Colombia ang nasa likod ng bloke-blokeng coccaine na narerekober sa ibat-ibang dalampasigan sa bansa. Base sa nakuha nilang representative sample sa Matnog Sorsogon noong 2018.
“We are facing a serious problem. Pumasok na ang cartel Medellin ng Colombia kaya nga maraming nakikitang cocaine,” ani Duterte.
Ayon sa Pangulo, ang mga droga ay galing sa mga lumang trawler na uri ng sasakyang pandagat at may nakadikit na GPS saka itinatapon sa dagat.
Ang droga anya ay saka iti-trace at kukunin ng mga drugs traffickers.
Aminado si Duterte na malaking hamon na bantayan ang buong shoreline ng bansa para hindi makapasok ang iligal na droga.
“We are in danger dahil on the right side, ang Mexico, ang Medellin, Colombia, pumapasok. Dito kung makikita mo lumulutang shabu, cocaine. At mahirap ang Pilipinas dahil pinakamahabang shoreline. Kulang tayo. So I cannot afford na may isang patrol dito, island per island, ganun kahirap,” dagdag ng Pangulo.
