Maria Ressa ng rappler at isang reporter kakasuhan ng Cyber Libel ng DOJ, 8 taong makukulong kong mapapatunayang nagkasala. Panoorin
Nagdesisyon ang Department of Justice (DOJ) na kasuhan ng cyber libel si Rappler CEO Maria Ressa at isang dating reporter na si Reynaldo Santos Jr. kaugnay ng istorya na inilabas sa news site noong 2012.
Sa resolusyon ng DOJ na may petsang January 10 at inilabas lamang araw ng Martes, inirekomenda ng mga prosecutors ang paghahain ng cyber libel case laban sa Rappler Inc. at kina Ressa at Reynaldo Santos Jr.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa akusasyon ng negosyanteng si Wilfredo Keng na isinangkot sa mga krimen batay sa report ng Rappler. Dahil muling nailathalata ang artikulo noong 2014 ay pasok na ito Cybel Crime Act ng 2012. 8 taong ang parusa kong mapapatunayang nakasala.
