Good News! Lahat ng mga Pinoy ay mabibigyan na ng maayos, murang gamot at de-kalidad na health care services sa mga susunod na buwan.
MURANG GAMOT AT DEKALIDAD NA SERBISYO para sa mga pinoy layunin ng Universal Health Care Act. na nilagdaan ni Pangulong Duterte.
Lahat ng mga Pinoy ay mabibigyan na ng maayos at de-kalidad na health care services sa mga susunod na buwan.
Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Bill na nagbibigay ng malawak na health care coverage at benepisyo sa mga Filipino.
Nakapaloob sa nasabing landmark legislation na ang lahat ng mga Pinoy ay magiging otomatikong miyembro ng bubuuing National Health Insurance Program (NHIP) bilang direct contributor o indirect contributor.
Ang mga direct contributors ay iyung mga nagbabayad ng regular na health premiums samantalang ang mga indirect contributors ay ang mga senior citizens o indigents. Mas palalawakin nito ang saklaw ng Philhealth na napapakinabangan ng mga Pinoy sa kasalukuyan.
