Breaking News

Abu Sayyaf leader Hatib Sawadjaan, itinuturing daw na acting emir ng ISIS sa Pilipinas, ARESTADO naman ang 2 miyembro!.



Inaresto ng NBI ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf na hinihinalang may gagawing pag aatake, samantalang itinuturing daw na acting emir ng Isis sa Pilipinas si Hatid Sawadjaan na tinuturong utak at mastermind sa pagpapasabog sa SULU cathedrial.


Nakilala ng NBI ang mga suspek na sina Harub Jaljalis alyas “Indal” at Pinky Ani Hadjinulla. Naaresto ang dalawa sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Basilan Regional Trial Court dahil sa Golden Harvest kidnapping noong 2001.
Nahuli si Jaljalis sa isang canteen sa Lustre corner Evangelist Street, Barangay Sta. Catalina habang si Hadjinulla naman ay sa bahagi ng Southway Mall.
Ayon kay NBI Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, pinaniniwalaang miyembro ang dalawa ng ASG-Urban Terrorist Group na nakabase sa Zamboanga City.
Sinabi pa ng Anti-Terrorism Division ng NBI na gumagawa ng bomba si Jaljalis para sa Radullan Sahiron faction ng ASG

Watch the video!


LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!