Breaking News

2 patay sa pamamaril sa bahagi ng EDSA-Southbound


Patay ang isang businessman at ang kaniyang driver habang sugatan naman ang isang pasahero sa insidente ng pamamaril sa southbound lane ng Edsa malapit sa Reliance Street sa Mandaluyong City, Linggo, Pebrero 17 ng hapon.

Ayon sa report ng Inquier.net, mga hindi pa nakikilalang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang lumapit umano sa isang puting Toyoto HiAce van na siyang sinasakyan ng mga biktima at pinagbabaril ang kanang bahagi ng backseat window nito, saad ni Senior Supt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong City Police Station.


Ayon kay Villaceran, ang driver ng van na si Allan Romer Santos, at ang businessman mula Alabang Muntinlupa na si Jose Luis Yulo ay agad na namatay matapos ang pamamaril.
Ayon sa Metro Manila Development Authority ganap na 3:23 ng hapon nang maganap ang insidente.

Watch the video!




LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!