PANIBAGONG SISIBAKIN | Dalawang opisyal ng Department of Agrarian Reform na sangkot sa korupsyon SISIBAKIN ni PPRD.
“Mag-resign o sasampahan ng kaso”.
Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang opisyal ng Land Conversion Office ng Department of Agrarian Reform (DAR) na kanyang sisibakin sa puwesto.
Ayon sa pangulo, may ranggong “Director” ang kanyang sisipain sa pwesto.Hindi man pinangalanan ang dalawang opisyal completo naman ang lahat ng ebidensya laban sa dalawa.
Dismayado ang pangulo dahil inabot ng dalawang taon ang pagproseso sa land conversion sa isang proyekto hanggang sa iparating sa kanyang tanggapan ang reklamo. Para sa pangulo, korupsyon na maituturing kung pababalik balikin ng opisyal ng pamahalaan ang mga aplikante na nag- aayos ng mga papele sa alinmang opisina ng gobyerno.
