Pangulong Duterte bumisita sa burol ng Business tycoon at SM Group Founder na si Henry Sy.
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labi ng Business tycoon at SM Group Founder na si Henry Sy.
Personal nitong ipinaabot ng Pangulo pakikiramay sa pamilya at kaibigan ni Sy na pumanaw nito lamang Sabado ng umaga.
Dumating ang pangulo sa burol ni Sy sa Heritage Park sa Taguig kahapon dakong 10:50 ng gabi. Umabot din ng halos isang oras na nanatili si Pangulong Duterte sa burol kung saan kinausap niya ang mga kamaganak ni Sy.
Matatandaang si Sy ang ay isang Chinese immigrant at tinaguriang pinakamayaman sa bansa mula 2005 hanggang 2018, at ika-52 pinakamayaman naman sa mundo ayon sa Forbes.
