Breaking News

NAKO PO! Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos tinawag na malaking kahihiyan sa bansa si Pres. Duterte. Panoorin



Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos tinawag na malaking kahihiyan sa bansa si Pres. Duterte, bilang sagot sa pahayag ng Pangulo na patayin ang mga Obispo. May buwelta naman ang palasyo sa naging pahayag ng pari " Dapat ay MANALANGIN NA LANG!" ang mga obispo sa halip ay makipag sagutan sa Pangulo. Nakasaad din raw sa libro na "pagbinato ka ng bato batuhin mo ng tinapay"!.


Karaniwan na sa mga Obispo ng Simbahang Katolika ang naglalakad ng walang armas at walang body guards sa mga ordinaryong lansangan na hindi kayang gawin ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., kaugnay na rin sa panawagan ng Pangulo sa mga ‘tambay’ na holdapin at patayin ang mga obispo na kanilang makikita sa kalye.

“Meron lang akong friendly challenge kay Presidente Duterte, simple lang na ganito. Alam niyo kaming mga Obispo naglalakad kami, wala kaming body guard, wala kaming bullet-proof vests, wala kaming mga security aids na nakapaligid na marami, wala kaming dalang baril, gano’n kami; ang challenge ko kay President Duterte kung talagang matapang siya, simple lang, gawin niya yung ginagawa namin,” ayon kay Bishop Bacani.


LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!