PANIBAGONG BOMBA SA ZAMBOANGA | Pagsabog ng granada sa Mahardika Mosque sa Zamboanga City, Dalawa patay at tatlo sugatan.
Dalawa ang nasawi, at tatlo na iba pa ang nasugatan sa pagsabog ng granada sa loob ng isang mosque sa Zamboanga City. Ang mga awtoridad, naniniwala na walang kaugnayan ang insidente sa nangyaring sa simbahan sa Jolo noong Linggo.
Nasugatan naman sina Palson Asgali, Alnizcar Sabbaha, Jikilani Albani, at Amidz Kassara, na kaagad isinugod sa ospital.
Ayon kay Colonel Leonel Nicolas ng Joint Task Force Zamboanga, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang naghagis ng granada sa mosque sa Sitio Logoy Diutay, Barangay Talon-talon pasado hatinggabi. Ang mga biktima ay pawang mga Muslim religious preacher mula sa Basilan at iba pang lalawigan na pumunta sa lugar para magturo ng Islam sa mga bata. Ibiniyahe na ang kanilang mga labi pauwi sa kanilang mga pinanggalingang lalawigan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa mosque.
