Breaking News

ANOMALYA SA BUDGET | ISINIWALAT ni House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. ang PAGPABOR ni Budget Sec. Ben Diokno sa construction firm na pag-aari ng kanyang kaanak.



Sa unang pagdinig ng house committee on rules ngayong 2019, binalikan nito ang sinasabing anomalya sa budget ng Department of Public Works and Highways partikular ang 7.5 bilyong peso budget insertion na ginawa umano ni Budget Sec. Bejamin Diokno sa ahensya. 




Kabilang sa pagkakagastusan ng nasabing pondo ay flood control projects sa lalawigan ng Sorsogon na nagkakahalaga ng 1.7 Billion Pesos at sa bayan ng Casiguran na pinaglalaanan ng 325 Million Pesos, yan ay kahit hindi naman flood prone o delikado sa pagbaha ang lugar. Katunayan, ito nga raw 2018 ay may 10 Billion Pesos na pondo para sa Flood Control Project ang Sorsogon pero wala namang flood control master plan ang lalawigan para sa taong iyon. 


LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!