Breaking News

PINAGHAHANAP | Mag-amang si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin at Iloilo Rep. Richard Garin, nanggulpi, sinipa, pinagsasampal at dinuraan umano ang pulis.


Mag-amang si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin at Iloilo Rep. Richard Garin, nanggulpi umano ng pulis. Kinuha umano ng mag-amang Garin ang baril ng pulis at mga personal na gamit, isinailalim sa body search, pinosasan habang tinututukan ng baril at saka raw binugbog ng mag-ama ayon sa nakakita sinuntok,sinipa at pinag sasampal at dinuraan ng mag-ama. 

Ayon kay Police Region 6 Director John Bulalacao, si Rep. Garin umano ang nanakit kay Macaya habang si Mayor Garin naman umano ang tumutok ng baril sa pulis. Dahil sa insidente, sinibak ang hepe ng Guimbal-PNP dahil sa hindi raw nito tinulungan sa kaniyang tauhan na pulis.

Kakasuhan din daw nila ang mag-amang Garin, at tatanggalan ang police escorts. Patuloy pa raw ang imbestigasyon ng pulisya at hindi pa raw alam ng kung saan ang mag-ama.