Napangingilabot na tagpo | Pangulong Duterte, sinaksikhan ang pagsasauli ng Balangiga bells sa mga taga balangiga. Panoorin
Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang seremonya para sa pagsasauli ng Balangiga bells sa Eastern Samar. Dumating ang ilang U.S. war veteran at ilang kaapo-apohan ng mga Pilipinong nakipaglaban noon sa mga Amerikano.
Taong 1901 ng kunin ng mga sundalong Amerikano ang Balangiga bells bilang war booty matapos ang tinaguriang Balangiga massacre. Ika-28 ng Setyembre 1901 nang tambangan ng mga taga-Balangiga ang Company C ng 9th Infantry Regiment ng U.S.Army, kung saan 48 Amerikanong sundalo ang nasawi.
Ang pagtunog ng kampana ang naging hudyat ng pag-atake ng mga taga-Balangiga. Bilang ganti, naglunsad ng pag-atake ang mga sundalong Amerikano at pinatay ang lahat ng lalaking Pilipino mula 10 taong gulang pataas. Sinunog din ng mga ito ang bayan ng Balangiga at doon kinuha ang tatlong kampana.
Para sa mga Amerikano, ang Balangina bells ay simbolo ng pagkilala sa kabayanihan at pagiging makabayan ng kanilang mga kawal sa panahon ng Filipino-American war, ngunit kailangan itong ibalik sa bansa bilang pagrespeto sa Pilipinas.
Watch the video!