CPP Founder Joma Sison TINAWANAN lang ang pahayag ng Malacañang na bigo ang 50-taon pakikibaka ng CPP-NPA
Tinawanan lang ni Communist Party Founder Joma Sison ang pahayag ng Malacanang na bigo ang limang dekadang laban ng Communist Party kasabay ng anibersaryo nito kahapon. Sinabi ni Sison na ang paulit-ulit na pagbatikos ng Pangulong Duterte sa mga komunista ang malinaw na batayan na may nagawa ang kanilang kilusan. Hindi rin daw mag-aaksaya ng panahon ang Gobyerno para magpadala ng batalyong sundalo kung alam nito na mahina na ang pwersa ng NPA.
"Nakakatawa Iyan. Eh bakit binibigyan ng importansya kumbaga walang kwenta na failed rebellion na eh sa katotohanan eh si Duterte laging nanginginig tuwing naririnig niya ang pangalan ng CPP. Yung mga security agencies laging pinapalagyan na number one security threat to its state." - CPP Found Joma Sison