BILIS NG INTERNET SPEED sa KOREA, KAYANG TAPATAN NG PILIPINAS PAGPASOK NG THIRD TELCO!
Kumpyansa si Makati Representative Luis Campos na kakayaning pantayan ng Pilipinas ang Average Internet Speed ng South Korea ngayong mas titindi na ang kompetesyon sa Industriya ng Telcommunications. Na sa loob raw ng labing walong buwan ay maaring tumaas sa 25 mbps ang Internet Speed sa Mobile Phones o limang beses pang mabilis kumpara sa kasalukuyan. Ito'y dahil gagastos ng 180 Billion Pesos kada taon ang PLDT, Globe at Mislatel Consortium para magtayo ng Telecom Infrastructure.
Paliwanag pa ni Campos, sa pagpasok ng ikatlong major player ay mapipilitan ang dalawang Telco na pagandahin ang serbisyo at kapasidad para idepensa ang Market Shares bago paman magsimula ang operasyon ng Mislatel.