BIKTIMA NG TORTURE: AID ni ATTY. CHONG, DUMANAS NG TORTURE BAGO PINAULANAN NG BALA BASE SA FORENSIC EXAM NG PAO.
Lumabas sa pagsusuri ng forensic team ng Public Attorney's Office na na-torture si Richard Santillan, ang aide ni Atty. Glenn Chong na napatay sa umano ay engkuwentro sa Cainta, Rizal. Pinabulaanan naman ito ng pulisya at ipinalabas ang matrix na nag-uugnay kay Santillan sa isang criminal group.
Matapos mag negatibo pagsusuri sa paraffin test ni Richard Santillan, aid/bodyguard ni Atty. Gleen Chong na tumatakbong senador sa 2019, isa na namang bagay ang natuklasan sa katawan ni Santillan. Ang koko nito sa hinlalaki ng paa ay tanggal at may dugo pa. Palaisipan tuloy kung paano natanggal ang kuko ni Richard. Kung tinamaan man daw ito ng bala sa daliri, bakit hindi sabog ang daliri?
Lumabas sa pag-aaral ng Public Attorney's Office na posibleng na-torture muna bago pinaulanan ng bala si Richard.